Archive for the ‘Pinoy blogs’ Category

FMs

Posted: January 1, 2013 by chocolatesandmedicines in Pinoy blogs
Tags: , , , , , , ,

WHAT IS UP WITH PEOPLE TODAY???

 

UNA:

Pag open ko ng Facebook ko last year, bigla ko lang nakita na kasali na pala ko sa isang group na NAGHAHATAK ng subscribers. They made the group to help people get hundreds or even thousands of subscribers. I don’t mind if these people have nothing to do but just try to have some friends but.. really? ‘Yung bigla ka na lang mag-add ng tao sa isang group na hindi naman niya ginusto.. nako. Seriously? Hehehe. Di ba nila alam na dyan POSIBLENG magsisimula ang mga RAPE at kung ano-ano pang krimen? Kasi ‘di mo naman sila kilala and nakita mo lang sa isang group.

 

Ang masasabi ko lang: Kung may gustong makipag-kaibigan, lalapitan ka niyan. Hindi mo kailangan ipilit ang puzzle piece na napulot mo lang.

 

PANGALAWA:

New year’s eve nung nakita ko ‘tong trend na ‘to (#EliteFamily & #TheOMGFamily). Seeing their bios, they said na they’re elite and that they have the best or say, ‘hottest’ members from Twitter.

But you know, when you’re elite, you mingle with people in a different way. I just don’t think na binigyan nila ng justice ang definition ng word na “elite”. They had this search over Twitter for the empty slots and I think it’s nonsense.

@DJDijamco: People trend because of talent not because of being attention seekers. These people should know their place. – BOOM.

 

So you see, people? We don’t have to try hard, kung gusto ng iba, gusto nila. We shouldn’t force things, right? This time, I will say sorry, to these people, which I am addressing as famewhores. Our blog is just expressing what we feel about something. If your opinions are welcome, so is ours. Baka wala lang nakitang sense ‘yung mga tao at nag-trend ‘yun at naghatak ng fans, subscribers, whatever.

 

Ay basta, nakita ko na Twitter ni Moises. :> Ok na ko. 🙂 Hahaha.

Advertisements

Ta*ga

Posted: September 8, 2012 by chocolatesandmedicines in Pinoy blogs

Gaano kasarap maging tanga?

 

TANGA. Ayan ‘yung kitang-kita mo na pero ayaw mo pang tingnan. ‘Yung nandyan pero ayaw mong pansinin. ‘Yung nakahain na at kakainin mo na lang pero hindi ka pa tumayo para kumuha ng pinggan.

 

Nagmahal ka ng taong mahal ka rin naman. Pero hindi naman lahat ng relasyon, sweet all the way. ‘Yung iba, pumapait o tumatabang na sa huli. Nagkataon na kasama ka sa mga taong handang ibigay ang lahat, pero sadyang hindi niya na ma-appreciate. Sinurprise mo siya nung birthday niya, ibinili mo siya ng mamahaling gamit, halos talikuran mo mga kaibigan mo, ibinigay mo pati katawan mo.. ibinigay mo LAHAT, pero wala pa ring effect sa kanya.

Dyan nagsisimula ang sakit. ‘Yung pakiramdam mo, pinupunit ng dahan-dahan ang dibdib mo bago matulog sa gabi.

Dyan mo rin iisipin. . . Sino ba ang tanga sa inyo?

 

SIYA ba? Hindi niya kasi nakita kung gano mo siya kamahal. Hindi siya nakuntento sa lahat ng binigay mo. Hindi niya napapansin na siya ang sumisira sa’yo.

O IKAW? Kasi ayaw mo siyang pakawalan? ‘Yung naisip mo na mas magandang nandyan siya kahit ikaw lang ang nag-mamahal.. Na okay lang tawaging tanga, kasi sa kanya ka masaya kahit alam mong, nakikihati ka sa iba.

SAKIT diba? Tapos magrereklamo ka..

 

Eto kasi ‘yan. Ang daming naghihintay para sa’yo. Pamilya mo, unang-una. Susundan ng mga kaibigan mo at nung susunod na magmamahal sa’yo. Hindi naman nauubos ang tao sa mundo ng isang tulugan lang eh. Makakahanap ka at mahahanap ka kahit anong pagtatago ang gawin mo. Simple lang, dahil ‘yun talaga ang kalakaran dito. Remember, hindi mo makikita’yung tama hangga’t hindi mo nalalaman ‘yung mali. Pero ‘yung mali at sakit, ulit-ulit mong mararamdaman ‘yan hangga’t hindi ka natututo..

Okay lang maging tanga minsan pero wag mo namang tambayan. Wag mong kalimutan na you shouldn’t settle lang for what’s available. You should wait and settle for what’s best for you.

Para sa IYO

Posted: August 26, 2012 by chocolatesandmedicines in Pinoy blogs
Tags: , , ,

AUTHOR’S NOTE: Ang tulang ito ay dulot ng matinding sama ng loob. Paumanhin po sa mga salitang hindi niyo magugustuhan. Pwede po kayong huminto sa pag-basa, anytime. 🙂

 

Ganda, ganda, mga lalaki sayo’y nga-nga

Tuwing dadaan ka, halos malaglag panga nila

Ganda, ganda, tunay ngang pinagpala ka

Maswerte ka at maganda ka.

 

Ganda, ganda, ang dami mong kaibigan

Kahit kailan, kahit sino’y hindi ka magagawang ilagan

Ganda, ganda, lahat sila’y napapa-ibig mo na

Pagkat total package ka, sabi nila.

 

Ganda, ganda, naubos na lahat ng make-up mo,

Ang ganda mo pa rin, sabi ko

Pero ganda, isang araw, lumabas ang baho mo

Kahit anong air freshener, hindi tatalab sayo.

 

Maganda, maganda nga ang mukha mo

Kahit sino, hindi hihindi sa napatunayan ko

Pero ganda, meron kang nakaligtaan

Make-up-an ang sarili mong kalooban.

 

Ganda, lahat ng tiwala ko, inubos mo

Isinusumpa kita hanggang panaginip ko

Ganda, bakit puro baho ng iba ang nakikita mo?

Pinagkatiwalaan ka ng lihim, hindi mo naitago.

 

Ganyan ka pala, ganda, nakaka-disappoint ng todo

Nagtiwala ang marami sa’yo, pero sintunado pala ang awit mo

Ganda, ayaw kong magtanim ng galit

Pero nakita ko, isa ka rin sa mga PANGIT.

 

Ganda ng mukha mo’y wala nang bisa

Sapagkat ugali mo, sa mukha mo’y hindi nakisama

Naisip ko, lahat ng baho mo, ilabas ko na lang rin kaya?

Makabawi mang lang ako sa sakit na iyong pinadama.

 

Pero pangit, hindi ako ‘sing ipokrita mo

Hindi ko kailangang itago ang mga pasang dulot ng nakaraan ko

Babae, good luck na lang sa’yo,

Dumating na sana ang araw na ipanganak ang katapat mo.