Ta*ga

Posted: September 8, 2012 by chocolatesandmedicines in Pinoy blogs

Gaano kasarap maging tanga?

 

TANGA. Ayan ‘yung kitang-kita mo na pero ayaw mo pang tingnan. ‘Yung nandyan pero ayaw mong pansinin. ‘Yung nakahain na at kakainin mo na lang pero hindi ka pa tumayo para kumuha ng pinggan.

 

Nagmahal ka ng taong mahal ka rin naman. Pero hindi naman lahat ng relasyon, sweet all the way. ‘Yung iba, pumapait o tumatabang na sa huli. Nagkataon na kasama ka sa mga taong handang ibigay ang lahat, pero sadyang hindi niya na ma-appreciate. Sinurprise mo siya nung birthday niya, ibinili mo siya ng mamahaling gamit, halos talikuran mo mga kaibigan mo, ibinigay mo pati katawan mo.. ibinigay mo LAHAT, pero wala pa ring effect sa kanya.

Dyan nagsisimula ang sakit. ‘Yung pakiramdam mo, pinupunit ng dahan-dahan ang dibdib mo bago matulog sa gabi.

Dyan mo rin iisipin. . . Sino ba ang tanga sa inyo?

 

SIYA ba? Hindi niya kasi nakita kung gano mo siya kamahal. Hindi siya nakuntento sa lahat ng binigay mo. Hindi niya napapansin na siya ang sumisira sa’yo.

O IKAW? Kasi ayaw mo siyang pakawalan? ‘Yung naisip mo na mas magandang nandyan siya kahit ikaw lang ang nag-mamahal.. Na okay lang tawaging tanga, kasi sa kanya ka masaya kahit alam mong, nakikihati ka sa iba.

SAKIT diba? Tapos magrereklamo ka..

 

Eto kasi ‘yan. Ang daming naghihintay para sa’yo. Pamilya mo, unang-una. Susundan ng mga kaibigan mo at nung susunod na magmamahal sa’yo. Hindi naman nauubos ang tao sa mundo ng isang tulugan lang eh. Makakahanap ka at mahahanap ka kahit anong pagtatago ang gawin mo. Simple lang, dahil ‘yun talaga ang kalakaran dito. Remember, hindi mo makikita’yung tama hangga’t hindi mo nalalaman ‘yung mali. Pero ‘yung mali at sakit, ulit-ulit mong mararamdaman ‘yan hangga’t hindi ka natututo..

Okay lang maging tanga minsan pero wag mo namang tambayan. Wag mong kalimutan na you shouldn’t settle lang for what’s available. You should wait and settle for what’s best for you.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s