Para sa IYO

Posted: August 26, 2012 by chocolatesandmedicines in Pinoy blogs
Tags: , , ,

AUTHOR’S NOTE: Ang tulang ito ay dulot ng matinding sama ng loob. Paumanhin po sa mga salitang hindi niyo magugustuhan. Pwede po kayong huminto sa pag-basa, anytime. 🙂

 

Ganda, ganda, mga lalaki sayo’y nga-nga

Tuwing dadaan ka, halos malaglag panga nila

Ganda, ganda, tunay ngang pinagpala ka

Maswerte ka at maganda ka.

 

Ganda, ganda, ang dami mong kaibigan

Kahit kailan, kahit sino’y hindi ka magagawang ilagan

Ganda, ganda, lahat sila’y napapa-ibig mo na

Pagkat total package ka, sabi nila.

 

Ganda, ganda, naubos na lahat ng make-up mo,

Ang ganda mo pa rin, sabi ko

Pero ganda, isang araw, lumabas ang baho mo

Kahit anong air freshener, hindi tatalab sayo.

 

Maganda, maganda nga ang mukha mo

Kahit sino, hindi hihindi sa napatunayan ko

Pero ganda, meron kang nakaligtaan

Make-up-an ang sarili mong kalooban.

 

Ganda, lahat ng tiwala ko, inubos mo

Isinusumpa kita hanggang panaginip ko

Ganda, bakit puro baho ng iba ang nakikita mo?

Pinagkatiwalaan ka ng lihim, hindi mo naitago.

 

Ganyan ka pala, ganda, nakaka-disappoint ng todo

Nagtiwala ang marami sa’yo, pero sintunado pala ang awit mo

Ganda, ayaw kong magtanim ng galit

Pero nakita ko, isa ka rin sa mga PANGIT.

 

Ganda ng mukha mo’y wala nang bisa

Sapagkat ugali mo, sa mukha mo’y hindi nakisama

Naisip ko, lahat ng baho mo, ilabas ko na lang rin kaya?

Makabawi mang lang ako sa sakit na iyong pinadama.

 

Pero pangit, hindi ako ‘sing ipokrita mo

Hindi ko kailangang itago ang mga pasang dulot ng nakaraan ko

Babae, good luck na lang sa’yo,

Dumating na sana ang araw na ipanganak ang katapat mo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s